Huwebes, Setyembre 26, 2013

“WE SHOULD OBEY”

        Ayon sa narinig ko sa aking guro sa Economics, kahit anong gawin natin kailangan nating sumunod sa mga taong may awtoridad kabilang na rito ang mga guro, magulang at ang pamahalaan. Ang mga guro ang gumagawa ng patakaran sa ating eskwelahan, samantalang ang mga magulang ang gumagawa ng patakaran sa ating mga tahanan, at ang pamahalaan naman ang gumagawa ng patakaran sa buong nasasakupan nito. Tama man o mali ang kanilang ginawang patakaran lahat tayo ay dapat sumunod upang walang kaparusahan na matanggap.

          Bilang isang estudyante ipinapakita ko na kinikikilala ko ang kanilang awtoridad sa pamamagitan pagsunod sa kanilang mga patakaran. Ngunit dahil hindi ako isang perpektong tao kaya’t hindi lahat ng kanilang patakaran ay maayos kong nasusunod. Maaring minsan nga ay nakakagawa ako ng pagkakamali ngunit dahil bawat pagkakamaling iyon mas nagkakaroon ako ng kaalaman kung ano ang dapat kong itama sa aking sarili.
Kung magsisikap ang lahat ng tao na sundin ang mga patakaran o batas na isinasakatuparan ng pamahalaan mas magkakaroon ng kapayapaan dito sa ating bansa. Ngunit minsan nakakadismaya rin ang mga nanunungkulan sa pamahalaan. Ipinatupad nila ang batas na bawal magnakaw ngunit bakit silang nanunungkulan ay nagnakaw ng ilang bilyon sa pera ng mamamayan? Paano natin susundin ang isang patakaran kung ang mismong gumawa nito ay sumusuway dito? Kaya’t naisip ko na hindi ka dapat gumawa ng patakaran kung mismong sarili mo ay hindi kayang sumunod dito. Sana’y maintindihan nila na upang mas irespeto ang kanilang awtoridad, kailangan nilang irespeto ang mga mamamayan o tao na kanilang nasasakupan.


Maraming salamat po sa pagbabasa ng aking pansariling opinyon. Nawa’y inyo ring maintindihan.