'Reaksyon sa larawan'
Makikita sa dalawang larawan na aking napili ang mga bangkay na natagpuan matapos ang Yolanda. Ang mga bangkay na ito ay makakasama sa ating kalusugan lalo na sa kalusugan ng mga taong naninirahan sa lungsod kung saan ito nakuhaan. Nakakalungkot na makita ang mga larawang ito. Nakikita rito ang mga taong napabayaan ang bangkay. Hinayaan lamang na nakahiga at hindi agad naisaayos ang katawan. Maaring ang kanilang mga kamag-anak ay lubhang nalulungkot dahil sa kanilang masamang dinanas. Ngunit iisa na lamang ang ating magagawa, yun ay ang tulungan ang mga taong kanilang naiwan sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon.
'Ang sa Tingin ko'ng Dapat Gawin ng
Gobyerno'
Sa panahong ito, mas kinakailangan nila ang gobyerno. Ngunit bakit sa panahong ito pa mas napuno ng problema ang gobyerno. Kailangan natin sila ngunit sa dami ng problema hindi agad sila nakakaresponde sa nangangailangan. May nagtanong sa akin "Sa pagkakataong ito. Dapat pa bang tanggalin ang PDAF?". Sa tanong niyang ito. Sumagi ang iilang tanong sa aking isipan. "Dapat na nga ba itong tanggalin kung ito ay makakatulong sa mga kababayan nating nahihirapan ngayon dahil sa pagdaan ni Yolanda?". Kung ako ang tatanungin siguro'y sasabihin kong gusto ko'ng ang mga salaping natitira ay gamitin para tulungan ang mga nasalanta. Nais ko'ng gamitin nalang nila ang PDAF upang tulungang makaahon sa hirap ang mga nasalanta ng bagyo.
Ito ay sariling reaksyon ko lamang. Alam ko pong ang bawat isa ay may kanya-kanyang reaksyon... Maraming salamat sa mga bumasa.. :) Sana ay naintindihan ninyo.