
Ang aking
bayaning hinahangaan ay ang aking ina. Lubos ko po siyang hinahangaan dahil sa kanyang
pagiging matatag. Kahit na siya lamang ang bumubuhay sa aming tatlong magkakapatid
ay hindi siya agad sumusuko. Siya lamang ang nag-aalaga sa amin dahil namatay ang
aking amain. Lubos kaming nalungkot sa kanyang pagkamatay. Ngunit nagpatuloy
parin kami sa aming buhay.
Ang aking
ina ay ang mag-isang tumataguyod sa aming pamilya. Ang aking kuya
na panganay sa aming tatlong magkakapatid ay huminto sa pag-aaral dahil na rin
sa kakulangan ng pera ng aking ina. Samantalang ang aking ate ay kasalukuyang iskolar
sa Datacom. Minsan ay nagkakaroon ng problema ang aking ina sa aming mga gastusin
ngunit gumagawa lang siya ng paraan.
Napakabuti
niyang ina. Siya ay isang mabuting halimbawa ng ina na tunay na nagmamahal sa kanyang
mga anak.
Marami
pong salamat sa pagbabasa nitong aking isinalaysay tungkol sa aking pinaniniwalaang
tunay na bayani sa aking buhay. Sana'y maintindihan ninyo ang aking isinalaysay.
nakaka tats :3
TumugonBurahinnakaka tats :3
TumugonBurahin